Monday, January 31, 2011

Umuulan...

Huwebes (27 Enero 2011)  Umalis ang mahal ko patungo Europa. Tinulungan ko siya mag empake at halos ako ang nag-ayos ng kanyang bagahe. Siya ay mamalagi doon ng dalawang linggo. Hindi ko na siya hinatid sa paliparan dahil alam ko na malulungkot lang ako , natuwa naman ako at naintindihan niya.

Biyernes ( 28 Enero 2011) Masaya namin idinaos ang kaarawan ni Ate Maggie kasabay ng aming caregroup. Walang mapag sidlan ang aking tuwa ng mga oras na iyon. Umuwi ako ng may bitbit na bagong orasan (hello kitty desk clock) at lulan ko ang  galak sa aking puso. 

Sabado ( 29 Enero 2011) Ako ay pumasok sa trabaho hanggang ala-sais ng hapon. Pagkatapos noon ay tumungo ako sa Orchard kasama ang aking kapatid na si Karen at ang kanyang nobyo na si Rolf para mamasyal. 

Linggo ( 30 Enero 2011) Wala ng sasaya pa sa pinaka paborito kong araw. Gaya ng inaasahan ako'y tunay na pinagpala sa mensahe ng aming Pastor. Nagpuri at nagpasalamat kasama ng aking mga kapatid sa Dios. Natapos ang aming gabi sa isang munting salu-salo sa 313 Somerset Food Republic.

Lunes ( 31 Enero 2011) Huling araw ng buwan, maaga ako nagising, salamat sa Dios at hindi ako nahuli (late) sa trabaho. Nalulungkot naman ako dahil tatlong araw ng walang tigil ang ulan. Naalala ko tuloy ang mahal ko, nakakalungkot isipin na magkalayo kami sa mga oras na ito. Hindi na yata ako sanay. Bakit nga ba? e hindi naman ako dating ganito. Sanay naman ako sa long distance relationship ah, pero iba e... malungkot. Ganun yata talaga pag mahal mo ang isang tao -- ni ayaw mo na siya mawala sa tabi mo at umaasa makasama o kasama siya sa lahat ng panahon lalo na tuwing umuulan... 

No comments:

Post a Comment